Dec. 12, 2010. isa mga badtrip na araw sa buhay ko…
after ng shift dali-dali akong nag-ayos ng gamit ko bago ako umalis ng office, alas 7:30 na ng umaga ng makarating ako sa cubao. mula ali mall papuntang baliwag transit nilakad ko yun, kahit na pagkalayo-layo at napakataas na ng araw eh pinagtyagaan ko pa ding lakarin dahil sa ayaw ko ng gumastos pa ng pera pamasahe, 200php lang ang pera na nasa wallet ko noon kaya kailangang magtipid.
MALOLOS, TABANG, yan ang bus na sinakyan ko, buti na lang at air-conditioned kundi eh tumatagaktak na ang pawis ko sa init. 8am na ng umandar ang bus, bigla akong may naalala…ganun na ganun ang pakiramdam ko noon kapag uuwi sa kanila, medyo nananabik, masaya, pero ngayon, may halong kaba akong nararamdaman sa aking dibdib. ano kaya ang mga mangyayari mamaya?, yan ang tanong ko sa sarili ko. bahala na pero isang bagay lang ang sinisiguro ko, hindi ako magtatagal sa kanila at aalis ako kaagad. ayoko lang na may masaksihan na isang pangyayari na hindi na naman kaaya-aya sa paningin.
nasa NLEX na ako, gising ang diwa ko sa mga oras na yun at hindi man lang ako nakaramdam ni kahit kaunting antok man lang sa byahe, nakakapagtaka! siguro masyado lang akong nag-iisip sa mga posibleng mangyayari. alas 8:30 na ng makarating ako sa ilalim ng tabang, wala pa ding pinagbago maliban sa isang food stand doon na ngayon ko lang nakita. namiss ko ang lugar na yun, yun ang lugar kung san ko sya unang nakita. ganun pa din ang simoy ng hangin, malinis hindi tulad sa maynila na halos puro usok na lang ang nalalanghap ko. mahigit 2 oras din akong naghintay sa kanya doon, wala pa ding pinagbago, tanghali pa din sya magising, halos ubusin ko na ang tinda sa bagong food stand doon kakahintay sa kanya, ni refly man lang sa text o tawag eh wala akong natanggap hanggang sa sumapit ang ika-10 ng umaga, sa wakas! gising na din sya. tulad ng dati, gamit ang motor nya sinundo nya ako sa ilalim ng tabang, ganun pa ding pwesto ko, sa likod nya habang sya ay nagmamaneho.
nagkasundo kami na matutulog ako sa bahay ng kaibigan namin. nahihiya na kasi akong tumuloy sa bahay nila, hindi na kasi tulad ng dati na feel at home ako pag doon ako umuuwi. marami na kasing nagbago at alam ko na ako ang dahilan ng lahat. pagkatapos kong kumain ng agahan eh natulog na ako agad. 3pm na ng magising ako, medyo hindi aman ako masyadong nakatulog dahil sa ingay ng mga bata sa bahay nila na nagpapatugtog ng pinoy rap songs. nag-online ako saglit at naligo. alas-4 na ng hapon, wala pa din sya, siguro busy na naman, sinabi ko sa kanya na hanggang 6:30pm lang ako. gusto nya sanang kinaumagahan na ako umuwi pero hindi ako pumayag.
alas-6 na ng hapon ng dumating sya kasama ang katrabaho ko na nauna pang dumating kesa sa akin, sinundo pa pala nya yun sa cubao ng alas-5 ng madaling araw dahil nga hindi alam kung paano ang papunta sa kanila. uwing uwi na ako ng mga oras na yun, tipong may lakad at nagmamadali. niloko ko pa sya nun, tinxt ko sya, ang sabi ko umuwi na ako pero ang totoo eh nagtago lang ako sa isang sulok ng bahay, hehehe…nakasimangot sya at halata amang di nasiyahan sa ginawa ko, pero ako tawa pa din ng tawa.
dumiretso na kami ng bahay nila at pagdating doon, biglang bumigat ang pakiramdam ko, ewan ko ba?! di na talaga katulad ng dati. ni hindi ko man lang nabati si nanay at yung iba pang mga tao sa bahay nila. ang tanging tao lang na nabati ko ay yung pamangkin nyang babae na kadaldalan ko dati noong nandun pa ako nakatira sa kanila. nakita ko ang ate nya na galing ng japan, sakto lang, may itsura naman, nakita ko din ang isa pa nyang pamangking babae na hindi marunong magsalita ng tagalog. 8 na ng gabi, tapos ng kumain ang lahat, gusto ko na talagang umuwi pero pinipigilan nya ako. nagpaalam ako, sabi ko bibili ako ng ice cream sa malapit na tindahan, hindi naman talaga totoo yun, paraan ko lang yun para makatakas ako. dire diretso ako sa sakayan ng tricyle pero paglingon ko eh nandun na sya…ang bilis talagang umaksyon!
sinakay nya ako sa tricycle kasama nya, sabi ko uuwi na ako, pero ayaw nya, gusto nyang umuwi na ako kinabuksan, nagpupumilit ako, kung patigasan lang ng ulo eh mananalo ako sa kanya. tumigil ang tricyle sa ilalim ng tulay ng tabang, mahigpit nya akong hinawakan at akmang kukunin ang bag ko pero nagpumiglas na naman ako ulit. nagmamakaawa na sya na bumalik na ako, pero ayoko talaga. nakakahiya sa lahat ng mga taong nakakakita sa daaan na ganun kami, nag-aaway, nagsisigawan. gusto ko ng sumigaw ng saklolo pero baka naman bugbugin sya ng mga tao dun, kasalanan ko pa. nakiusap sya na kahit isang oras lang eh manatili ako dun pero ayoko pa din, desidido na akong umalis, alam kong kabastusan yung ginawa ko na hindi ako nagpaalam pero talagang hiyang hiya na ako sa sarili ko at sa mga tao sa bahay nila. hindi ko na talaga kayang magpakita.
nag-usap kami ng matagal bago ako tuluyang nakaalis. marami na naman kaming napag-usapan, halos paulit-ulit na lang, nangako sya sa akin na simula sa araw na yun hindi ko na sya mararamdaman pa, hindi na nya ko kukulitin pa sa text at hindi na din nya ako tatawagan pa, alam nyang sawang sawa na ako sa kakulitan nya at hindi na din ako masaya tulad ng dati. isang bagay pa ang ipinangako nya sa akin at alam ko naman na hindi yun matutupad, sinabi nya na maghihintay na naman sya sa akin, sa pagbalik ko, hindi ako nakasagot, umiling lang ako. hindi na ako naniniwala pa sa mga pangako nya sa akin dahil noon pa man lahat ng mga pangako nya eh nauuwi lang sa wala. inabot kami ng ilang oras kakahintay ng masasakyan ko, muntikan pa nya akong iwan mag-isa dun sa madilim na lugar na yun pero hindi ako natakot at hindi ko naman sya pinigilan, hindi naman nya tinuloy. hindi ko na namalayan ang oras ang nasa isip ko lang kasi ay makaalis ako kaagad sa lugar na yun.
nasa loob na ako ng fx…naiinis pa din ako sa nangyari, nasira na naman ang araw ko, pero ang importante ay nakaalis na din ako…
Posted in Uncategorized
Recent Comments