when i DIE

may iiyak kaya pag namatay ako?
may tatawa kaya at magsasabing “buti nga sayo, epal ka kasi eh”?
may mga magiging masaya ba sa pagkawala ko sa mundo?
may maglalakas kaya ng loob para sugurin ang doktor ko at sisihin sa pagkamatay ko?
may tatalon kaya ng building para magpakamatay at samahan ako sa kabilang buhay?
may bubuhat ba sa kabaong ko para ihatid ako sa huli kong hantungan?
ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung ano ba pwedeng maisagot sa mga yan…

i opened may facebook account today. may nabasa ako dun na “when will you die test”, sinagutan ko yun at ang lumabas na year of death ko ay 2031, shocks!!! 21 yrs. to go na lang at mawawala na ko sa mundo.,,ewan ko kung totoo yun.

i ask myself, if you will die, anu ba gusto mong magiging cause of death mo?, i answered, i want to die because of leukemia or brain cancer, kahit anong malubhang sakit. why?, gusto kong makita ako ng mga kaibigan at kapamilya ko kung gaano ako katapang, kung papaano ako lumaban sa hamon ng buhay. as simple as that…parang yung sakit lang ng mga bida sa mga koreanovelas…yun bang sa gitna ng hirap at sakit na pinagdadaanan ko nagagawa ko pa ding ngumiti at mabuhay na parang walang iniindang sakit. sa ganung paraan ko lang din malalaman kasi kung gaano ba ko kahalaga sa buhay ng mga tao sa paligid ko.

sana bago man lang ako mawala sa mundong to ay makapag-iwan man lang ako ng mga masasaya at magagandang alaala sa mga taong naging parte ng buhay ko. at sana magawa ko lahat ng bagay na gusto kong gawin bago ako kunin ni Lord.

anu-ano nga ba ang mga bagay na gusto kog gawin bago ako mawala?…

1. makapag-publish ng book na ako ang author.
2. i want to spend the last minutes of my life w/ my family, yun bang family outing.
3. i want to drink and get drunk w/ my barkadas, kumanta sa videoke and party all night long.
4. i want to sing in front of many pipol kahit hindi naman ako singer.
5. i want to ask forgiveness to all the people na nasaktan ko, kung meron man.
6. i want to go to church and give thanks to God for all the blessings he gave to me.
and last…
7. gusto kong mahalikan at mahagkan ng mahigpit yung taong pinakamamahal ko
habang pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw.(sweet!!!)

napaka-simple lang ng mga kahilingan ko di ba?, kung magagawa ko lahat yun, handa na kong mamatay.

pero kung patay na ko, mamimiss kaya ako ng mga taong yun?, siguro naman oo, dahil ako mamimiss ko sila ng sobra-sobra. e san naman kaya ko mapupunta after nun?, sa heaven ba or hell?, i dont know but im pretty sure that i deserve to be in heaven w/ God. hindi naman ako masamang tao eh.

e kung nasa heaven na ko, anu na kaya ang mangyayari sakin nun?, yun ang hindi ko alam…

life is too short so live it the way you want it to be
take many pictues as you can
laugh and drink as much as you can
kasi, we all dont know kung kailan ang ending ng buhay natin dito sa mundo kaya before tayo mawala at least nagawa mo na yung mga bagay na gusto mong gawin.

2031, mahaba habang panahon pa ang ilalagi ko dito, tma na siguro yun…

“ANG HULING HABILIN”

1. please lang, kung dadalaw kayo sa burol ko magsuot kayo nga brown shirt, yun kasi ang favorite color ko.
2. bawal ang umiyak, saka na pag ililibing na ko, i-enjoy nyo muna ang paglalaro ng sugal at pagkain ng libreng biskwit at pag-inom ng mainit ng kape(wag ka sanang mapaso).
3. huwag kayong maglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ko kasi disgusting tignan(pang-mahirap).
4. huwag nyo kong susuotan ng barong, gusto ko naka-pang-corporate attire ako na may spongebob necktie.
5. yung coffin ko dapat black yun.
6. kung maglalagay kayo ng picture ko, gusto ko naka-collage, puro solo ko lang(wag ng isama yung mga pics ko na nka-undies lang).
7. sana bago nyo ko buhatin at ilibing, gumawa muna kayo ng isang powerpoint presentation ng buhay ko
magmula ng baby pa lang ako.
8. yung mga gamit ko, please,…wag nyong susunugin, itago nyo na lang lahat sa baol at ilibing sa lupa(parang yamashitas treasure lang)
9. at kung pwede lang din “angels brought me here” yung song ko habang dinadala nyo ko papunta sa huli kong hantungan, kundi mumultuhin ko kayo
10. after ng libing, magpicture taking kayo, hayaan nyo, sasamahan ko kayo sa picture. paki-upload na lang sa facebook ko yung mga pics, bigay ko na lang yung username and password ko.

hahaha!!!

this blog entry was taken from my friendster blogs site. i am wondering how i came up with this kind of idea..hmmm…

Advertisements

~ by alfion lee on October 15, 2010.

2 Responses to “when i DIE”

  1. sira ulo ka talaga asawa ko.. kapag namatay ka, susunod na rin ako noh?! kaw talaga?1 kung ano ano iniisip mo..

  2. hehe, alam mo aman ako, adik lang..hehe…sige, sumunod ka ah, iintayin kita..=)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: