sa pag-alis mo…

October 10, 2010. Bukas na pala ang alis mo, dumating na yung araw na pinakahihintay mo sa lahat, mag-ingat ka sana sa byahe at wag mo ding kalimutan alagaan ng mabuti ang sarili mo pagdating  mo doon ah?! Alam kong kailangan mo din ng oras para sa sarili mo, masaya ako dahil after the long time eh makakasama mo na ulit ang kapatid mo, ikaw na bahalang magsabi sa kanya ng tungkol sa atin ah?! Alam ko naman na maiintindihan tayo ng ate mo, be a good boy wag ka dun magpapasaway, alam kong matigas din ang ulo mo tulad ko pero mukang mas matigas ata yung sayo, wag ka ding palaging mag-iinum dyan at ang pagyoyosi kung pwede lang eh bawas-bawasan mo na alam mo namang nakakasama yan sa katawan.
 
Wag ka na masyadong mag-alala sakin ok lang ako dito, kaya kong mag-isa. Pansamantala muna akong babalik sa maga bagay na nakagawian kong gawin noong hindi ka pa dumadating sa buhay ko, gusto ko lang na libangin ang sarili ko habang wala ka, alam ko namang ayaw mo kong malungkot di ba pero hindi ko yun maiiwasan, may mga oras na sigurado akong iiyak ako dahil sa pangungulila sayo. Pasensya ka na asawa ko kung minsan eh nagdadrama ako sa harap mo, nahihirapan akong i-type ang bawat letra ngayon dahil sa hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Ayokong ipakita sayo na nahihirapan ako kaya mas gugustuhin ko na wag ka ng ihatid sa airport, ayokong gumawa ng eksena sa harap ng maraming mga tao.
 
Ngayon, magkakaroon ka na ng oras para makapag-isip-isip at makapagplano para sa sarili mo, o para din sa ‘ting dalawa. Andito lang ako palagi sa tabi mo kahit na milya milya ang layo natin sa isat-isa maiiwan dito sa puso ko ang pagmamahal mo kaya kung kelangan mo ko text mo lang ako o tawagan, hi-tech na ang panahon ngayon kung gusto mo i-message or chat mo na lang ako sa facebook o ym.
 
Pasensya na nga pala nung huling gabi na magkasama tayo, binigyan pa kita ng sakit ng ulo. Pasensya na kung minsan eh naglilihim ako kasi nahihiya ako sayong magsabi ng totoo pero nalaman mo na din naman kung ano ang naging nakaraan ko di ba?!, wala na yata akong maililihim pa sayo, yun na ata ang pinakahuli.

Ayoko sanang umalis ka pero wala akong magagawa. Alam ko namang yun ang mas makabubuti para sayo. I dont want to be selfish and i do respect your decision, hindi na din aman tayo mga bata, we are matured enough to think what’s best for us.malungkot na malungkot ako ngayon. Im just trying to be fine but im not. Pero sabi ko nga sayo di ba, dont worry bout me, ngayon lang to at masasanay din ako kalaunan.

2 monthsaries
My 22nd birthday
1 yr. Anniversary
Christmas and new yr

Yan ang mga mahahalagang araw sa buhay ko, gusto kong i-celebrate yan kasama ka pero parang imposible ng mangyari yun.

Promise me na babalik ka agad ng maayos, gusto ko ikaw pa din yung dati kong asawa na nakilala ko, wag ka sanang magbabago sa akin. I’ll promise you that i will wait for you no matter what happen. Sayo lang tong puso ko at hinding-hindi ako maghahanap ng iba dahil dumating ka na sa buhay ko.

Mamimiss kita sobra! Mamimiss ko din lahat ng mga bagay na palagi nating ginagawa ng magkasama tayo. Sayo ko lang natutunan ang salitang ‘pagpapakatotoo’ at nagpapasalamat ako ng marami sayo. Ngayon, hindi na ako nahihiyang sabihin sa buong mundo kung ano ako, as long as wala akong ginagawang masama, dito ako masaya eh!, hindi na din ako nahihiyang sabihin sa lahat na ikaw ang taong pinakamamahal ko, ang taong laging nandyan para sa akin sa hirap man o ginhawa, sa lungkot man o saya.

…wag mo sana akong kalimutan pag andun ka na…

Von voyage!!!
Ingatan mo sila alfion at spongebob tulad ng pag-iingat ko sa singsing na binigay mo sa akin…

Mahal na mahal kita asawa ko..

Advertisements

~ by alfion lee on October 9, 2010.

2 Responses to “sa pag-alis mo…”

  1. iyak naman ako dito.. amp.. ano ba yan?! dont worry asawa ko, pag uwi ko ay ako pa rin ang asawa mo.. ang asawa mo na minahal mo ng sobra at nagmamahal sayo ng sobra.. muah.. muah.. muah.. love you asawa ko at mahal na mahal din kita.. =)

  2. kilig naman ako dun…^___^
    para sayo talaga tong post na to, umiiyak pa ako ng sinulat ko yan, lungkot na lungkot kasi ako eh…love you too asawa ko..:-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: