paalam, xanxan ko…:-(

naalala ko tuloy nung una ko kayong makita ni charchar sa isang petshop, napakasigla nyong dalawa at nakakatuwa kayong pagmasdan kasama ang iba nyo pang mga kapatid. noon pa man binabalak ko na kayong bilhin at alagaan para sa tuwing uuwi ako ng bahay ay merong mag-aalis ng pagod ko. masayang-masaya ako nung araw na inuwi ko kayo ng bahay, alam kong naninibago kayo sa bago nyong tahanan at medyo mailap pa kayo sa akin, ni ayaw nyong hinahawakan ko kayo, nagpupumiglas kayo, nagpupumilit na makabitaw agad.

pasensya na kayo at hindi ko kayo agad nabigyan ng magandang bahay kung san kayo malayang makakakilos. wala pa kasing budget ang amo nyo kaya inilagay ko muna kayo sa malaking kahon. ganun pa man, kapag may oras akong bantayan kayo ay hinahayaan ko naman kayong gumala sa buong bahay. nakakatuwa pag nakikita ko kayong tumatalon at naghahabulan sa isang makitid na espasyo ng aming bahay, nagsuot pa kayong dalawa sa ilalim ng higaan kaya hindi ko kayo agad naibalik ni charchar sa kulungan nyo.

hindi ko makakalimutan ang mga nangungusap mong mga mata xanxan, napakagandang tignan, alam kong bata pa kayo ni charchar at medyo maselan pa kayo sa mga pagkain kaya binilhan ko talaga kayo ng pagkain na with vitamins ang tatak para maging malakas ang pangangatawan nyo at mapabilis ang paglaki ninyo.

mag-isa na lang tuloy si charchar, alam kong nalulungkot sya ngayon dahil wala na syang kasama sa malilit nyong bahay. alam kong hinahanap ka din nya sa mga oras na to, wag kang mag-alala, aalagan ko sya ng mabuti at mas lalo ko pa syang mamahalin.

pasensya ka na kung hindi ako agad nakauwi ng bahay, biglaan eh, lam mu naman ang amo mo kelangan din ng social life kahit minsan lang para namang hindi ako masyadong nagmumukmok sa bahay. siguro kung umuwi lang ako ng maaga eh naisugod pa kita sa malapit na veterenarian para ipagamot ka. sorry talaga…

alam kong na masaya ka na sa mga oras na to kung saan ka man naroroon.
mananatili ka sa puso namin ni charchar magpakailanman man.

hinding-hindi ka namin makakalimutan…
paalam xanxan ko..:-(

Advertisements

~ by alfion lee on October 15, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: