The Flashback(from my friendster blog)

today is december 25, 2009, yeah! its christmas day but im here in the office answering inbound calls, whattah f*$k!!!, suppose to be im the house right now celebrating this special day with my family, friend or with my special someone(hihi!!!), whew! its already 1:30pm, dunno what to do, no calls received yet…im getting bored.

O tama nah! nosebleed na…hehe

this is the last blog entry that im going to write down here at friendster blogs, im still thinking if i will migrate my blog entries to wordpress.com or stay where i first started to write. anyway., thats not the real thing that im going to tell you guys, oopps!!! not to tell but to share with…

humirit pa ng english eh nuh???…

lets start….READY. SET. GO…2010 nah!!!…um…wala pa pala!..:))

planet earth is about to complete its 365 1/4 days revolution around the sun…

FAST FORWARD>>>

actually, the present date is march18, 2010 but i wrote the first part of this blog dec. 25, 2009 ngaun ko lang naisipang ituloy at tapusin kasi at this time wala akong magawa sa office, no calls received, 23 inbound calls tagged lang ang nasa CRM ko. nakakabore,,,bawal ang cellphone sa floor, bawal lahat ng mga gadgets, bawal magdala ng cup of coffee, pati pen and paper ay bawal din, haiz..ayoko na dito!!!

BACK TO THE MAIN TOPIC…

sobrang dami na naman ang mga nangyari sa buhay ko this last year, mga pangyayaring di ko inasahan na magaganap at nagpabago sa pagkatao ko, kung anu-ano yung mga pangyayari na yun, basahin nyo na lang yung nasa baba para malaman nyo…hehehe…

“judgment day” – globe prepaid wave 32. yan ang batch ko ng nagtraining kami sa globe prepaid account. it was january ng sinabi samin kung sino-sino ang mga nakapasa sa 2 months na pagtetraining at isa ako dun, yeebahh!!!, di ko naman inaasahan na makakasama ako sa mga magiging core agents from that batch pero ang sakin lang naman, ginawa ko lang kung anu ang tama, but behind that success, di ko naiwasan na maging malungkot that day of our judgment kasi out of 16 trainees 5 lang kaming na-endorse sa floor ang masaklap pa, mag-isa lang akong na endorse as new member of team andrea na kung san, isang nakakatakot at nakakapanindig balahibong supervisor ang naghandle sakin. nakakalungkot, i remember that time na nasa bahay na ko at mag-isa lang akong kumakain sa dining area namin, noodles ang kinakain ko nun at dahil sa sobrang lungkot hindi ko na nagawang pigilan pa ang pag-iyak ko. huhuhu!..ganun ko kamahal ang mga ka-batch ko, iba kasi ang bonding namin lahat, parang kapatid na ang turingan namin sa isat-isa.

“team andrea” – yan ang team na kinabagsakan ko. masaya ang ang buong team kahit na di kami masyadong masaya sa TL naming gurlalu na nakakatakot kung magalit. imagine, sa lahat ng team sa prepaid kami lang ang team na may 1 hour preshift at postshift, shetnez!!!, sumasakit ang ulo naming lahat, kulang na lang ay tumira kami sa loob ng coaching room. anyway, maalaga naman c andeng(real name ng TL ko), walang problem pag sup call at lagi kaming updated sa kanya. im thankful na din dahil dito sa team na to ako in-endorse lahat kasi kami magkakasundo para kaming isang family na at the same time nanay at tatay ang tingin namin sa TL namin.

“the reshuffle” – it was march ng magkaraon ng malaking pagbabago sa buong prepaid team. nagkaron ng reshuffle, palitan ng mga agents at TL’s. nalungkot ako ng malaman ko yun pero wala kong magagawa kasi yun ang gusto ng head namin. bagong pakikisama na naman, from team andrea nilipat ako sa team cris, masaya naman sa team na ‘to pero di kasing saya ng team andrea.

“the next level” – ‘alex, kakausapin ka ni ms. greicee’…nasa state of shock yata ko nung sinabi to sakin ng ni ms. cris(bagong TL ko). ang daming tanong na  naglalaro sa isip ko that time, may nagawa ba kong mali? may bagsak ba kong external barges? materterminate na ba ko? nahuli ba kong nag-dropped call?(ayun ooh! umamin…) ewan ko! sasabog na ata ang utak ko sa kakaisip. 1st break namin at pinapapunta na ko sa table ng manager namin, nanginginig, natatakot, natutuyuan ng laway, hindi ko alam ang gagawin ko.

‘alex, anu sa tingin mu ang dahilan kung bakit kita kakausapin’ tanong sakin ni ms. greicee,
‘hindi ko po alam’ sagot ko.
‘wag kang matakot, wala ka namang ginawang kasalanan, iinterwiehin lang kita’…

boinks!!!…interview??? for what???, sabi ko sa isip ko. for postpaid account pala yun, kala ko naman kung anu na. isa daw ako sa mga pinili na interviewhin kasi based on my performance i have the potential daw to be part of the globe postpaid team. weeeh???…

“back to classroom training…again” – globe postpaid wave 4. yan ang batch namin nung mag-start na kaming magtraining for postpaid account. sa dami ng mga prepaid csr’s na dumaan sa interview 12 lang kaming napili for training. sobrang saya ng training kahit na sobrang nosebleed na kami sa trainor naming english speaking, somehow, magaling naman syang magturo at di sya nawawalan ng mga ice breakers, yun bang mga games na pampaalis ng antok di naman kasi namin maiwasang antukin during the discussion. madaling pakisamahan ang mga co-trainees ko at magkakasundo kami sa lahat ng bagay, we are one big happy family! sabi ko nga dati. i’ll never forget yung pictorial sessions naming lahat during breaktime, lahat uploaded sa facebook at friendster, halos araw-araw nga kami nagkukuhaan ng litrato, walang kasawaan.

“new beginning” – natapos na ang 1 month classroom training.  out of 12, 7 lang kaming na-endorse for ISD training. culture shock kaming lahat sa mga calls, mga inglisero’t mga inglisera ang mga nakakausap namin. unlike prepaid subscribers, madali lang kausap ang mga postpaid subscribers pero pag nag-irate sila, tambling na.

“lets do it the platinum way” – wala pa kaming 2 months sa postpaid nagtetraining for ISD heto at ni-level up na naman kami. after postpaid, platinum naman. to the highest level na talaga to!, kung dati regular postpaid subscribers and kinakausap namin ngayon mga bigating subscribers na ang mga makakausap namin, andyan ang mga artista, pulitiko, mga ceo’s at kung sinu-sino pang mga celebrities. susyal!

“the big change” – hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nun. siguro sawang-sawa na din ako nun sa itsura ko kaya minake-over ko ang sarili ko. medyo may kahabaan na din nun ang kulot kong buhok(3 months ba amang di pinagupitan eh?!) kaya yun, i went to the nearest salon at dahil sa may pera ako nun, nagpastraight ako ng aking buhok, sakit sa anit ah?! pero sobrang nasatisfy naman ako sa kinalabasan =). after my hair, bumili ako ng mga products na pampakinis ng mukha at pampaputi ng balat, hindi pa ko nakutento at bumili ako ng mga bagong damit na tiyak na babagay sa akin. BOOM!!! from ugly duckling at baduy na guy eto na ko’t muka ng artista, hehehe!, bad comments are not allowed!..=). dumami ang mga nag-add sakin sa friendster at sa iba pang socal networking sites, bumaha ng mga msgs at comments, may mga nanghihingi pa ng no. ko, isang bagay ang napatunayan ko sa sarili ko nun…sarap pa lang maging gwapo. hahahaha!!!

“i love you virus” – month of august. i never expect na magkakaroon ako ng love life. weeeh???…tatamaan din pala ako ng pana ni kupido(korni!).,.peri di din nagtagal yung relationship naming dalawa, i know i did my part, ginawa ko lahat para sa kanya, marami akong sinacrifice na bagay pero seems like wala akong halaga sa kanya, huhuhu! andyan lang sya pag kailangan nya ko. i really dont know kung mahal din nya ba ko, ewan ko kung kailangan nya ba ko dahil sa mahal nya ko o mahal nya ko dahil kailangan nya ko. 4 months lang ang itinagal ng relationship namin, ako na ang nag-take ng initiative na makapaghiwalay.

“alfion @ 21″ – november 7, 1988, yan ang date of birth ko. sa sobrang bilis ng  takbo ng panahon hindi ko na namalayan na debut ko na pala. my birthday is just an ordinary day for me, hindi kasi ako mahilig mag-celebrate ng b-day ko, ganun pa man, marami naman ang mga bumati sakin thru friendster and facebook, hindi din ako nakaligtaang batiin ng mga officemates ko kahit na yung rest day ko nung araw na yun.

“sweet christmas” – dec. 25, 2010, ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buong taon na to para sakin, at last i’ve finally found that person who will love me and accept for who i am. akalain mu yun?!? nagawa nya talaga kong hintayin sa luob ng mahabang panahon, kahit ilang beses ko syang nireject o inignore andyan pa din sya. actually, sya ang kauna-unahang taong bumati sakin nung bday ko and i really appreciate it, isang napakahabng kwento kung bakit ako napunta sa kanya, gagawan ko na lang ng another blog yun para mas detailed basta ang alam ko lang ngayon, mahal na mahal ko sya at mamahalin ko say habangbuhay..weeehhh..cheeezzyy!!!. =)
yun lang ang mga nangyari sa buhay ko this past year. salamat pala sa lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko, hindi magiging makulay at masaya ang year 2009 kung wala kayo. im looking forward for positive things na mangyayari naman sakin this year 2010…HAPPY NEW YEAR(kahit sobrang late na!..hehe)

Advertisements

~ by alfion lee on September 7, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: