a day in my asawa ko’s house

kahapon lamang ay nagpunta ako sa bahay ng pinakamamahal kong asawa, in other word, “jowa” just to spend my night there, he promised me kasi na iti-treat nya ko w/c is nauwi lang sa pagtulog sa bahay nila ng buong gabi, ang dahilan nya kasi kesyo pagod sya, wala pa syang tulog at wala na syang pera. im really expecting na talagang ititreat nya ko kasi once in a blue moon lang nya gawin yun sakin, naiitindihan ko aman ang dahilan kung bakit pero syempre nakakatampo lang dahil mas binibigyan nya pa ng oras ang mga kaibigan nya kesa sa akin na “asawa” nya, sinisi pa ko na ang usapan namin ay sunday night ako uuwi sa kanila, eh anung magagawa ko alam nya namang sa call center ako nagtatrabaho at inbound pa ko kya natural lang na mag-iba ako ng schedule ng shift ska off, kaya ayun, umuwi ako sa kanila last tuesday night. 3 hours lang nga ang itinulog ko eh dahil past 2pm na ako nakauwi ng house, nakatulog ako around 3pm at gumising ako exactly 7pm, gusto ko pa sanang matulog dahil nga sa puyat ako at pagod sa trabaho pero dahil sa nangako ako na pupunta ako sa kanila pinilit ko ang sarili ko na bumangon at mag-ayos para before 11pm or exactly 11pm ay andun na ako.

nasa jeep na ako ng may nareceive akong text message…

asawa ko: sana man lang magtxt sya kung pupunta pa d2 o hndi na
cuteme: xenxa aman asawa ko kakapaload ko lng. 0n d way n q, ndi pwdng ndi aq pumunta dhl miz n kta, kya kht 3hrz lng itinulog q ok na un mkita k lng. 🙂

yan ang eksaktong conversation namin sa text…eto pa ang mga sumunod na palitan ng mensahe…

asawa ko: asan kna ba kc?
cuteme: sm na ko…ang asawa ko aman mxdong sbik skin, hehe.:-)
asawa ko: haha.. aun.. magtricycle kna lang pauwi d2 ok!  delikado ang panahon ngaun.. wag makulit..
cuteme:lalabas p b tau?. d b sbi mu treat mu q.:-)
asawa ko: gusto ko sana kaso d pa ako n22log mula kagabi pa tas ala na din akong pera.. huhu
cuteme: ah ok.(nagsisimula ng magpanting ang dalawa kong tenga)
asawa ko: kc naman, usapan natin sunday.. Eh an0ng petsa na!
cuteme: ok.
asawa ko: ay galit?
cuteme: ndi aq glit..hehe(plastikan effect)
asawa ko: sus at nagsinungaling pa.. parang di ko sya kilala..:-)

inis na ko that time. mas pinili ko na lang makipagplastikan baka kasi kung anu na naman ang masabi ko at ikasama pa ng loob nya…

cuteme: pagdting  q jan. 22log n q agad ah taz uwi n q ng 12nn
asawa ko: aww.. bkt naman?! 😦
cuteme: my pz0k p q kinbkusan eh…gus2 q ma2log @ magphnga sa bhay..
asawa ko: oh dahil galit kna skn..
cuteme: ndi aq glit aftr lunch uwi n ko kgad…wla dn kc q mxdong nai2log eh, past 3pm n q nkauwi.
asawa ko: at bkt naman?! aun..ayaw mong uminom kht the bar lang?! para naman masolo kta dba!
cuteme: wg n lng. mag-2log n lng tau bu0ng gbi mas gus2 q p un.
asawa ko: ay naku, kung galit ka skn, at kung ganyan ka lang din, bkt umuwi kpa?! parang binadtrip mo pa ang araw ko imbes na super saya ko ngaun.
asawa ko: ewan ko sau.
cuteme: cge uwi na lng aq.

actually, wala naman talaga akong balak na umuwi, i just want to be practical lang, magsasayang lang ako ng pera pag ginawa ko un…

asawa ko: edi umuwi ka.. wag knang magpapakita skn..
cuteme: ok

nasa fx na ko ng mga oras na yun at inaantok na ko…

asawa ko: ok din
asawa ko: ganyan ka naman palagi eh! tinatan0ng ka tas magsisinungaling kpa..
cuteme: ah?
asawa ko: umuwi kna lang. badtrip..
cuteme: u know me…pag cnv mu gngwa ko…
asawa ko: edi gawin mo..ganyan ka naman palagi.. once na sinabi ko, gngwa mo..
cuteme: tamaah…
asawa ko: kaya nga hindi mo na naiisip na nasasaktan na ako sa mga  pinaggagwa mo.
cuteme: hay nku! inaantok n q. mkaidlip muna…
asawa ko: asan kna ba?
cuteme: pauwi n q.
asawa ko: gago ka..
asawa ko: TANGNA, KAPAG ALA KPA D2 NG 11PM, TALAGANG AYOKO NA,,
cuteme: anung ayaw m0 na?
asawa ko: ayaw ko na talaga..suko na ako..
cuteme: ah…k lng.
asawa ko: ok.. badtrip..
cuteme: huh?..
asawa ko: nakasakay kna ba pauwi senyo?
cuteme: sa bus n q…chow!
cuteme: gudnyt. 2log k na,,, idlip lng aq.
asawa ko: bus going to?
asawa ko: going to sm fairview?
cuteme:  ma2log ka na. nyt.
asawa ko: san nga?
cuteme: ppuntang fairview nga kulet.
asawa ko: ok.. pinangatawanan mo na lang din ang pag-uwi dyan, den pangatawanan mo na rin na ako ay kalimutan ah! how dare you.. fuck.. i’m waiting for this day to come pero ala din palang mangyayari.. sawa na ako alex sa mga alang kakwenta kwentang away natin na ito.. AYOKO NA TALAGA.. PROMISE.. SAWANG SAWA NA AKO.. WAG MO NA RING ASAHAN NA MAGPAPAKITA PA AKO SAU.. TATANGGALIN KO NA UNG SA FB NGAUN DIN.. GUD NYT AND GUDBYE..

im in a flattered mode that time, medyo natatawa ako unti…hehe

cuteme: pat0la ka…mlpit n q tabang. adik!
cuteme: hay nku! aq bblik ng silang.. e d mas lal0ng nagsayang aq ng pera s gnwa ko…syempre uuwi aq jan ngaun pra ma2log @ magphnga.
cuteme: pkibukaz aman ung gate. knina p q d2.
asawa ko: wag mo kc akong inaasar ng ganyan.. magtricycle kna lang.. wag matigas ang ulo.. dami ng  nahold up dyan sa ilalim papuntang ibabaw.. putsa ka..
asawa ko: ou na.. asan kna ba?
asawa ko: san kna ba?

dyan natapos ang mahaba naming conversation sa txt. pagdating ko ng bahay nila e nginingisian ko lang sya…hehe

pero naiinis pa din ako sa kanya, sana hindi na lang sya nagsabi sa akin ng isang bagay na hindi nya naman kayang gawin at least ako pag sinabi ko ginagawa ko dahil may isang salita ako at palagay ko yun ang wala sa kanya. nakakainis pag naiisip ko na wala na syang oras sa akin, puro na lang mga kaibigan nya ang palagi nyang kasama araw-araw, laging nakikipag-inuman, uuwi ng umaga ng wala pang tulog. ako, minsan na nga lang nya kong makasama hindi pa nya ko mapagbigyan sa gusto ko, nakakasawa na din kasi dahil palagi ko syang pinagbibigyan sa mga gusto nya. hay naku! hindi nya ba naiisip yun?!?, how i wish na sana bumalik yung dati na magkasama kami sa lahat ng bagay, pag lalabas kami, matutulog, kakain, lagi kaming magkasabay pero ngayon, bilang lang sa daliri yung mga araw na magkasama kami sa isang buwan. we are both busy na kasi sa mga kanya-kanya naming buhay, somehow i understand naman our situation.

may dalawang bagay akong napatunayan sa kanya…
NEVER EXPECT and NEVER ASSUME…

kinaumagahan…

its just a typical day for me…
eto at magkasama na naman kami, magkayakap tapos biglang pipiglas sa pakakayakap kapag may dadating na tao, dulo kasi ang kwarto nya at malapit sa cr/bathroom. ako talaga ang unang nagigising saming dalawa tuwing umaga. kahit na puyat ako automatic ng dumidilat ang mga mata ko pag 6am na, sya, mahimbing pa ding natutulog. hindi ko maiwasang pag masdan sya habang natutulog, sabi ko sa isip ko…

“tong matabang to! hmppfF! kundi lang kita talaga mahal eh di sana matagal na kitang hiniwalayan, kahit na ilang beses mo kong ginawan ng kalokohan pag nakatalikod ako eto pa din ako hindi ka iniwan at pinagtatangol pa kita, kulang na lang eh itago kita sa lahat para walang umagaw sayo sakin. bilog na bilog talaga ang mundo kung dati eh ikaw tong patay na patay sa akin at sobra sobra kung magselos ngayon ako naman tong hindi magkandarapa sayo, ultimo FB mo eh pinapakelaman ko, alam mu yan, dahil minsan eh nahuli kitang may kalandian, nag-init ang ulo ko dun sobra, kasi parang pinamuka mo sakin na hindi pa ako sapat para sayo, na kulang pa ako. halos gumuho ang mundo ko, lalo pa akong nainis ng sinabi mo sa akin na ‘partner mo lang sya in FB’, partner? eh ako anung tingin mo sa akin? nasaktan ako ng todo, magkahalong sakit at galit ang naramdaman ko, pakiramdam ko nun lumabas na naman yung isa kong pagkatao na hindi nagpapatalo at marunong gumanti. sabi ko sarili ko ‘eto pala ang gusto mo cge ibibigay ko, total nasaktan na ako mas mabuting masaktan ka din at masakatan yung tao na yun’ kaya inopen ko fb mo at chinat ko sya w/ out him knowing na ako mismo na asawa mo ang ka-chat nya, i throw painful words to him to make him mad at you, at hindi ako nabigo. hanggang sa dumating yung oras na magalit sya sayo at hindi ka na nya paniwalaan pa. i know that what i did is wrong, but im also a human and i cant control my temper. di pa dun natapos ang lahat. i used another phone no and txted you, just to try kung anu ang mga words na lalabas mula sayo pagkatext mo ay ibang tao, nagkunwari ako na isang stranger, my heart broke into pieces when you said this exact sentence ‘HE IS MY PARTNER AND I LOVE HIM SO MUCH’, after that i throw painful words to you para masaktan ka din, i said to myself ‘NO ONE CAN HURT ME AND IF YOU DO I ASSURE YOU THAT IT WILL CAUSE YOU TOO MUCH PAIN’, im so sorry sa ginawa kong yun, hindi siguro tayo aabot sa ganung point if you know how to avoid temptation. kung nasakatan ka mas lalo na ako. pero tapos na yun, at gusto ko na ding kalimutan ang nangyari. next time. mananahimik na lang ako para wala na tayong pag-awayan pa…basta ang alam ko, MAHAL KITA kaya nagawa ko yun.”

10am na ng bumangon sya. kung hindi sya siguro kukulitin ng mga tao sa bahay nila para mag-deliver ng mineral water eh tulog pa sana sya. ganun ang eksena palagi sa bahay nila sa araw-araw na ginawa ng Diyos. bago sya mag-deliver eh nag-agahan muna kami sa isang fastfood store na malapit sa kanila na ang main dish ay palabok, sobrang na-miss ko yung moment na yun na kasama syang kumain ng agahan na usually naman naming ginagawa dati nung nakatira pa ko sa kanila. i really miss those simple things that we do together. after that, nagsimula na syang magtrabaho kasama ako, alam kong mahirap ang ginagawa nya at hindi ko kaya yun.

mineral water station ang business ng family nya. actually, ang panganay nyang kapatid ang tunay na may-ari nun ipinangalan lang sa kanya at sya ang inatasang mag-manage, ang hindi ko lang matanggap eh sa hirap ng ginagawa nya eh wala man lang syang kinikitang pera, ewan ko ba?!? kung ako yun, iniwan ko na yun siguro, idadahilan ko na lang na ‘bakit ako magpapatakbo ng isang negosyo na hindi naman ako ang nagbebenefit, napupunta lang sa ibang tao yung pera’ kaya nga sabi ko sa kanya eh! maghanap na lang sya ng work, mag-call center na lang sya ulit para hindi sya masyadong pagod at stress at least yung kinikita nya eh napupunta sa kanya, pero ayaw nya, dahilan nya eh baka palayasin sya sa bahay nila pag nagkataon, hay naku! buntong-hininga na lang.

kinahapunan…

mag-isa na naman ulit ako sa kwarto nya, wala kong magawa kundi ang kalikutin ang cellphone ko, magtxt at mag-soundtrip hanggang sa makatulog ako. ayaw nya na kasi akong pasamahin pa, mas gusto nyang magpahinga na lang ako at matulog. past 4pm ng may umeksena na namang “matandang bakulaw”, yun ay ang kanyang ate na matandang dalaga, hay! pag nakikita ko yun ay bumibigat ang pakiramdam ko, para akong magkakasakit, ewan ko ba kung anong pwersa ang pumapalibot sa buong katawan nya. hindi ko sya feel at ni minsan ay hindi kami nag-usap nun. iba kasi ang ugali, ugaling nakakairita at masakit sa paningin. pag mag-isa na ko sa kwarto at pag dadaan sya eto ang mga salita na karaniwang kung naririnig sa kanya…

“naku! ang bintilador! sasabog na…”(comment ni cuteme: ganun ba?! basta tapat mu lang muka mo ah para kung sakaling sumabog eh sira ang mukha mo teh!)
“andito na naman sya…”(comment ni cuteme: wala kang pakelam, bakulaw!)

eto ang matinding salitang narinig ko sa kanya na talagang ikinainit ng ulo ko…

“ang kapal ng mukha!…”

paulit-ulit nyang sinasabi yan na parang sirang plaka lang pag dadaan sya ng may tono, akala naman nya eh tulog ako.

may mga sandali pa na pag himbing na himbing akong natutulog eh bigla na lang akong magigising. at sya na naman ang dahilan amF!,

“padabog na pagsara ng aparador at pintuan”
“biglang pag full volume ng tv”
“malakas na sounds”

yan ang mga karaniwang naririnig ko, kung di ako makatulog ng maayos sa mismong bahay ko dahil sa ingay na ginagawa ng mga pamangking kong bata eh mas lalo akong di nakakatulog ng maayos sa kanila dahil sa ingay na ginagawa ng isang matanda. patay malisya lang ako. di ako pwedeng mag-voice out dahil hindi ko yun pamamahay, wala akong karapatan. ang talagang ikinaiinit lang ng ulo ko ay yung pagsasabi nya sakin ng foul word na “ang kapal ng mukha!…”, nakataas na ang kilay ko nun, ibig sabihin malapit na kong sumabog. natandaan ko tuloy dati nung inaasar ako ng kapatid kong babae sa sobrang inis ko eh tinapunan ko sa muka ng isang mangko ng toyo na may pinigang sili sa mata, war of the gods ang naging eksena sa bahay ng isang linggo. hindi yun ang gusto kong gawin sa kanya isang simpleng banat lang naman…

CUTEME vs. BAKULAW SCENE

cuteme: ATE! kung makapal ang mukha ko, anu sa tingin mo ang mukha mo?!! no wonder kaya ka tumandang dalaga dahil sa walang lalaking pumapatol sayo dahil sa muka kang bakulaw…para kang FACEBOOK, face mo puro buk-bok. 😛
matandang bakulaw: anoOONg SABBEee mOOo???
cuteme: gusto mo ulitin ko sayo word per word???…KUNG MAKAPAL ANG MUKHA KO, ANU SA TINGIN MO ANG MUKHA MO?!! NO WONDER KAYA KA TUMANDANG DALAGA DAHIL SA WALANG LALAKING PUMAPATOL SAYO DAHIL SA MUKA KANG BAKULAW…
(akmang mananampal si bakulaw)
(hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sa mata w/ a devilish and kontrabida eyes)
cuteme: dont you dare hurt me! kahit matanda ka papatulan kita!
(sabay pabitaw na pagtapon sa kamay ni bakulaw)
(isang kontrabida qoute ang aking sasabihin w/ matching kibit-balikat at taray look)
cuteme: tandaan mo! may mga matatanda na iginagalang at nirerespeto, at meron ding mga matatandang pinapatulan katulad mo…MATANDANG BAKULAW!!!
(napatambling ng bongga-bongga si bakulaw, walang masabi, nanginginig sa galit na nag-walk-out)
cuteme: bwuahahahaha!!!…LOOOSERRR!!!..

CUTEME WINS!!!

hindi ako mahilig pumatol sa mga nakakatanda depende lang kung sobra na at wala ng pag-galang. sabi nga nila kung gusto mong igalang ka ng bata matuto ka munang igalang sya. hindi ko na lang sya pinapansin, mananahimik na lang ako pero posible pa ding mangyari ang sagutan sa pagitan naming dalawa kung hindi nya ko titigilan sa mga pa-hagging effect nya sakin. at pag nangyari yun sisiguraduhin kong maiinsulto sya sakin to the max, idadown ko sya ng bonggang-bongga, kung maldita sya mas maldito ko sa kanya. para sakin, nanay at panganay na kapatid lang nya pwedeng gumanon sa akin at pag nangyari yun ako na mismo ang magkukusang umalis. alam kong kakapalan ng mukha ang umuwi, makitulog at makikain sa kanila, sa totoo lang ayuko ng kumain sa kanila mas gusto ko pang ako ang bibili ng sarili kong kanin at ulam dahil alam kong nakakahiya aman talaga, may pinag-aralan ako kaya alam ko. kung hindi lang sa asawa ko eh hindi na talaga ako babalik pa dun, NEVER IN MY WHOLE LIFE!!!…

past 5pm…

dumating na ang asawa ko ng walang kaalam-alam sa mga nangyari habang wala sya. sinabi ko na ok lang ako at walang problem pero sa totoo ang laki ng problem ko sa ate nya. nabubwisit talaga ako pag naalala ko eh, alam kong wala naman syang magagawa sa retarded nyang ate kaya mas mabuting ilihim ko na lang…idlip mode ulit habang nag-sho-shower ang asawa ko.

past 7pm…

ang 4pm kong uwi naging 7pm. gusto ko na talagang umalis ng bahay na yun dahil hindi na ko makakatagal sa mga tao dun. hindi na tulad ng dati nung dun pa ko nanunuluyan. kaya mas gusto ko na lang na magkita kami somewhere or mag-motel na lang at least panatag ang loob ko at parehas pa kaming masaya ng walang mga asungot.

isang araw na naman ang natapos sa bahay nila.
ang na-enjoy ko lang ay yung pagtulog namin ng magkayakap.
halikan, yapusan at hmmmm…hehehe

hindi-hindi nila kami mapipigilan at mapaghihiwalay dahil nakatali na kami sa isat-isa. magkakamatayan kung may eeksena sa relationship namin. mata lang may latay din….

Advertisements

~ by alfion lee on September 7, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: