Where are you now???

Elementary School Days

sa mga batang nakalaro ko when i was in kindergarten, nasaan na kaya kayo?, hindi ko siguro mararamdaman ang saya ng pagiging musmos ko nun kung hindi ko kayo nakasama.

sa teacher ko nung grade 1 na sobra kong iniyakan nung 1st day of classes sa elementary para lang makapag-CR, nasaan na kaya kayo?, hindi ko siguro malalaman ang salitang “may i go out” kung hindi nyo yun itinuro sa akin.

sa classmate kong babae nung grade 1 ako na lagi kong kasama at kalaro noon sa school, nasaan ka na kaya?, malaki ka na kaya o pandakekak ka pa din?, thanks! sa friendship ah?!, ikaw ang una kong bestfriend, kaya BFF tayo kahit sobrang tagal na nating hindi nagkikita. kilala mo pa ba kaya ako?.

sa teacher ko noong grade 4 ako na may tatlong kulay sa buhok(puti, black and pink), nassan na po kaya kayo?, hindi ko yata katatakutan ang mga teachers kung hindi dahil sa inyo,  heh…grabe po kasi kayo mamalo, isang mataba at matigas na stick palagi ang nasa desk nyo na kahit anong oras ay pwedeng dumampi sa mga batang pasaway , minsan na din yun tumama sa payat kong braso noong minsan akong nakipagdaldalan sa katabi ko nun ng wala akong kaalam-alam na nasa likod ko na pala kayo.,huhuhu..=(..im wondering, ang pusa na may tatlong kulay raw ay swerte, sa tao kaya?!? =)

sa teacher ko noong grade 3 na favorite akong tawagin pag recitation, nasaan na po kaya kayo?, dahil sa inyo nasanay akong sumagot ng biglaan kahit hindi naman ako nagtataas ng kamay, kahit papaano tumatama naman ang mga sagot ko.

sa teacher ko nung grade 2 ako na lagi na lang akong sinisita kapag nag-a-ayos ako ng mga gamit ko sa bag, nasaan na po kaya kayo?, salamat dahil na-appreciate nyo po ang pagiging neat and clean ko, cleanliness is next to godliness po kasi.

sa teacher ko noong grade 5 na lagi na lang akong sinasama sa mga folk dance competition, nasaan na po kaya kayo?, dahil sa inyo, kahit papaano natutunan kung sumayaw at umindak sa harap ng nakararami kahit na parehas na kaliwa ang mga paa ko.

sa teacher ko noong grade 6 na sobrang strikta, nasaan ka na kaya madaam?, dalaga ka pa din ba hanggang ngayon?, wag naman sana dahil alam ko 50+ ka na nung naging guro kita…kung di dahil sa inyo, di ko malalaman na totoo pala ang mga terror teachers, naalala ko po tuloy nung binalibag nyo yung paso sa harap naming lahat, grabe! kahit may katandaan ka na malakas ka pa din!, napaiyak mo din ako nung pinalo mo ako sa puwet ng mabasag ko yung paso nung minamadali mo na kaming tapusin yung paglilinis ng corridor, syet ah! asar!..

sa mga classmates ko na nagpapirma ng slum note/book sa akin, nasaan na kaya kayo?, may napansin ba kayo sa motto ko? laging “TIME IS GOLD”, wala lang naisip ko lang. natatandaan nyo pa ba kung sino ang first kiss ko? yun ay ang parents ko. eh yung first love ko? syempre si God. eh ang meaning ng crush? di ba paghanga?!. hehe

sa mga babaeng nagka-crush sa akin nun, nasaan na kaya kayo?, magugustuhan nyo pa din ba ako kung makikita nyo ko ngaun?, malamang OO!..hehehe

sa close friend kong guy na magmula elementary hanggang 2nd year high school na palagi kong kasama, nasaan ka na kaya ngayon?, nakakamiss din yung mga kulitan natin at pag-gala natin sa evergreen para lang manghuli ng malilit na palaka(kaka-evolve lang from tadpole stage =)). siguro teacher ka na ngayon?!?, last time na nagkita tayo we are both in college na nun at hindi pa tayo masyadong nagkakamuztahan dahil nasa magkabilang dulo tayo ng jeep. kamusta naman ang pagtulog mo noon  sa klase habang naglalaway?! anu pakiramdam ng magising sa pagtama ng lumilipad na blackboard eraser sa mukha habang tulog? masakit ba? hehehe…

sa classmate ko noong grade 6 na kinababaliwan ko noon, nasaan ka na kaya? last time na nakita kita nung debut mo wala pa ding nagbago sa mukha mo, maganda ka pa din kahit na naglalakihan na yung mga braso’t binti mo. nakatago pa ata yung binigay mong picture sa akin nun eh na nilagay ko pa sa maliit na picture frame na keychain.

sa dalawang classmates kong babae na seatmates ko noon, nasaan na kaya kayo?, salamat sa pagdamay sa akin sa mga times na pinapagalitan ako ng teacher natin kapag nagiging pasaway ako, alam nyo naman na behave ako talaga di ba?!? =)

sa mga bumully sakin nung elementary days ko, nasaan na kaya kayo ngayon?, mga adik na ba kayo? nakatapos ba kayo ng pag-aaral? maganda ba ang buhay nyo ngayon? ito lang ang masasabi ko, GO TO HELL!!! DAMN YOU BULLSHITS!!!.

Batang Kalye

kay michael na nasuntok ko noon habang nasa jeep kami?, kamusta ka naman pare!?, maga ba mata pagkatapos?. pikon pa naman ako nun. salamat dahil after nung away natin naging mag-best buds tayo! akalain mo nauna ka pang magkaroon ng anak kesa sa akin!?!..hehe

kay kaykay na lagi kong ka-duet sa kantahan, nasaan ka na kaya?, singer ka na ba teh?!…salamat sa laging pagpapahiram mo sa akin ng bike mo dati, i remeber na dumausdos ako pababa ng kalsada at sumemplang una mukha, skit ah?!.

kay jayjay na laging pikon tulad ko noon, nasaan ka na kaya?, kamusta ang pagiging panganay?, natatandaan mo pa ba nung natamaan kita ng bola sa “ano” mo ng naglalaro tayo nun ng batuhang bola?, naghamon ka ng away di ba?! pero hindi kita pinatulan, pinagtawanan lang kita…hehehe

kay frederick na isa ding pikon at magna, nasaan ka na kaya?, salamat sa pagturo sakin umakyat ng puno ng kaimito, nalaman ko na mas masakit pa lang mangagat ang mga antik na kulay pula kesa sa itim.

kay art na bunsong kapatid ni michael na mahilig mag-powertrip, nasaan ka na kaya?, powertripper ka pa din ba?..=)

kay boga na superfriend ko when i was a kid then, nasaan ka na kaya?, nakatapos ka ba ng pag-aaral? o puro bulakbol pa din pinaggagagawa mo sa buhay mo?, sorry kung ako ang unang bumitaw sa friendship natin, epal si mama eh, kinulong ako sa bahay ng malaman nyang bad influence ka.

kay leslieng baboy, nasaan ka na ate o kuya?. last na makita kita lalaking lalaki ka na eh. nakaka-ilang gf ka na ba?. =)

kay dubai payatot na parang laging di pinapakain ng nanay nya, nasaan ka na kaya? mukha ka pa din ba kayang mongoloid?!?. salamat sa pagsama sakin tuwing tumatambay ako sa tapat ng bahay. pag karinig ko ng tunog ng pinupokpok na tubo ng tubig lalabas na ko ng bahay. alam nah!

sa lahat ng mga batang lalaking dumayo noon sa amin para lang kalabanin ako sa text, nasaan na kaya kayo ngayon? mga talunan pa din ba?, pasensya na at ang “The Unbeatable Alex” pa ang kinalaban nyo, ubos na text, ubos din ang pera. ako ang tunay na kampeon!!!

sa lahat ng mga batang nakalaro ko ng mata-mataya, langit-lupa, bang-sak, agawan base, shampoo2x, open the basket, step no, appear disappear, chinese garter, limbo rack, hoola hoop, sipa, patintero, luksong tinik/kalabaw/baka, siato at kung anu-ano pang mga larong pambata, maraming salamat! sobrang na-enjoy ko ang pagiging bata ko dahil sa inyo.

ang mga bata pag nagsesenti, kakaiba yan!, andyan yung tatambay sa gilid ng kalsada kung san may halaman na santan, pipitasin at sisipsin ang nektar, o kaya kukuha ng bulaklak ng gumamela, didikdikin, lalagyan ng konting tubig and in an instant, bubbles na!. ito ang malupit, naranasan mo na bang manghuli ng malalaking bangaw sa likod ng bahay?, manghuli ng daga at torturin to hanggang sa mamatay?, manghuli ng tutubi at ipakain ang ulo nito sa kapwa tutubing kalabaw???…ang WEIRD!!!..=)

Advertisements

~ by alfion lee on August 16, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: